Kabanata 1: Sa Kubyerta Isang umaga ng Disyembre, dumadaan sa Pasig ang Bapor Tabo lulan ang mga pasahero patungong Laguna: Mabigat, bilog at halos hugis tabo ang bapor na pinagmulan ng pangalan nito, marusing ang kabila ng pagkukunwaring maputi, ngunit maharlika at kapita-kapitagan dahil sa kabagalan. Isang tagumpay laban sa kaunlaran- isang bapor na hindi naman ganap na bapor; isang organismong hindi nagbabago; hindi buo ngunit hindi mapasusubalian; at kapag nais magpakitang umuunlad, buong kasiyahan nang ipinagmamalaki ang isang pahid ng pintura. Mahahalintuad sa Estado sapagkat may hirarkiya ang mga pasahero: Mga intsik at indio sa ibaba kasama ng mga kalakal at mga empleado ng pamahalaan, prayle at mga mahahalagang tao sa kubyerta. MGA NASA KUBYERTA: (Donya Victorina) Tiyahin ni Paulita Gomez na mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina
Mga Post
Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2018