Kabanata 1: Sa Kubyerta
Isang umaga ng Disyembre, dumadaan sa Pasig ang Bapor Tabo lulan ang mga pasahero patungong Laguna:
Mabigat, bilog at halos hugis tabo ang bapor na pinagmulan ng pangalan nito, marusing ang kabila ng pagkukunwaring maputi, ngunit maharlika at kapita-kapitagan dahil sa kabagalan. Isang tagumpay laban sa kaunlaran- isang bapor na hindi naman ganap na bapor; isang organismong hindi nagbabago; hindi buo ngunit hindi mapasusubalian; at kapag nais magpakitang umuunlad, buong kasiyahan nang ipinagmamalaki ang isang pahid ng pintura. Mahahalintuad sa Estado sapagkat may hirarkiya ang mga pasahero: Mga intsik at indio sa ibaba kasama ng mga kalakal at mga empleado ng pamahalaan, prayle at mga mahahalagang tao sa kubyerta.
MGA NASA KUBYERTA:
(Donya Victorina)
Tiyahin ni Paulita Gomez na mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina
- Dating marino na pumalaot na sa mga malalaking dagat, bagamat matanda siya ay magiliw at ngayo para bang nag-aalaga na lamang ng bapor na sumpungin, matigas ang ulo at tamad pa
(Tatlong Prayle)
Uurong daw ang buong mundo kapag dumating ang araw na pumunta sila sa kanan
'
(Don Custodio)
(Ben Zayb)
Isang manunulat na naniniwalang nag-iisip ang Maynila sapagkat iya ay nag-iisip
(Simuon)
Ipinalalagay na tagapayo at tagabulong ng lahat ng kilos ng Kapitan Heneral.
ANG PAGTATALO
- Nakikipagtalo si Padre Camorra ( prayle na mukhang artilyero) kay Ben Zayb at sinasabi ang proyekto ng isang prayle sa Puente Del Capricho na hindi natuloy sapagkat sinabi ng mga alagad ng siyensya na hindi ito ligtas sa sakuna. Kulang daw ito sa tibay at mapanganib.
- Sumabat si Donya Victorina at sinabi na hindi tulay ang mga problema kundi wala kasing mabuting lawa dito sa Pilipinas.
- Agad na sumagot si Simoun at sinabing madali lang ang solusyon sa problema nila: Humukay ng isang tuwid na kanal mukla sa luwasan hanggang hulo ng ilog, na magdaraan sa Maynila. Ang ibig sabihin nito ay gagawa ng bagong ilog at sasarhan ang matandang ilog. Makakatipid ng lupa, iikli ang paglalakbay, at mapipigil ang pagtubo ng mga balaho.
- Sumagot naman si Don Custodio – sino ang gagawa? Kakailanganin ng malaking pera diyan sa proyektong iyan.
Simoun: Ang mga preso at salarin ang magtatrabaho at kung kulang pa, lahat ay magtatrabaho at imbes na labinlimang araw lang ang Polo, gawin itong hanggang apat na buwan at pagbaunin na rin ng pagkain ang mga manggagawa.
Don Custodio: Natakot at baka raw maghimagsik ang mga tao sa ganyang uri ng panukala.
Simoun: Sa ganitong paraan lamang maisasakatuparan ang malaking proyekto nang maliit ang puhunan. Hindi naman daw nag himagsik ang mga mamamayan ng Ehipto na gumawa ng mga Piramide tulad ng mga taong gumawa ng Koliseo sa Roma.
Nagpatama pa ito kay Padre Salvi: Ano ang silbi ng mga prayle sa bansa kung hindi nila kayang pigilin ang mga rebolusyon?
Don Custodio: Mag-alaga na lang daw ng mga pato na kakain sa mga maliliit na suso sa ilalim ng lawa para lumalim ito ng walang gumagawa.
Donya Victorina: Nandiri sa mangyayari kapag nangyari ang panukala ni Don Custodio sapagkat dadami ang mga pato na magbubunga ng balot.
PAGBUBUOD
Sa pagsisimula ng El Filibusterismo, nagsiumla ang paglalakbay ng Bapor Tabo. Ang Bapor Tabo ay sinasabing tulad ng tabo ang hugis nito at tsaka ay malinis ang labas nito ngunit ang loob ang marumi. Maihahantulad ni Rizal ang bapor na ito sa pamahalaan noong unang panahon.Ang pamahalaan noon ay mabagal, nagmamalinis, at walang pagbabago.
Sa kanilang paglalakbay, ang Kaptin ng Bapor ang mas higit na nakakaalam ng mga pasikot-sikot sa knailang pupuntahan kaya binabalaan niya ang mga tauhan niya kung malapit na sila sa mababang lugar. Ang babala niya ay ikinairita ni Donya Victorina. Maingay daw ang mga tauhan at ng Kapitan. Ngunit parang ito ay isang paguuyam dahil ang taong mga kinagagalit niya ay mga Indio at halos 99 porsyento na nasa bapor ay mga Indio at kasama na siya mismo rito.
Sa paglalakbay na rin ito ay nagkaroon ng pagtatalo ukol sa bagal na paglalakbay nila.Sinabi ni Donya Victorina na walang magandang lawa sa Pilipinas kaya nagsimulang nag-isip ang iba ng paraan. Ang naisip naman ni Simoun ay gawing isang mahabang direstsong daanan at tabunan ang mga matandang lawa upang mas mabilis ang paglalakbay. Ang sagot naman dito ni Don Custodio ay sino naman daw ang magtatrabaho nito. “Ang mga preso at salarin. Kung kulang pa ay lahat ng mga bata at matatanda.” Wika ni Simoun. Iniisip ni Don Cutosio na maaring mag-alsa ang mga tao. Natawa na lamang si Simoun at ipinaliwanag niya kay Don Custodio ang ilang mga bagay na ginawa na ng simabahan na hindi naman nag-alsa ang mga tao. Umalis pagkatapos si Simoun upang pababain ang sama ng loob niya. Mas may naisip si Don Custodio sa pagbaba ni Simoun. Sabi niya ay mag-alaga na lang daw ng mga pato upang ang mga pato mismo ang maghuhukay ng lupa sa tubig at ito’y lalalim. Sa pagtatapos ng kabanata na ito ay sinabi ni Donya Victorina na magandang ideya ito ngunit magkakaroon ng maraming balut noon at ayaw niya ito.
PAGSUSURING PANGANGAILANGAN:
A. Lugar at Panahon - Nangyari ito sa itaas ng Bapor Tabo, tinatawag itong kubyerta na kung saan makikita ang mga mayayaman. Doon nangyari ang pagtatalo ng mga tauhan sa kabanatang ito kung paano mapadali ang takbo nga Bapor Tabo.
B. Suliranin - Ang suliranin ng kabanatang ito ay ang pagkawalan ng kapantayan sa mga kapwa Pilipino dahil ikinahihiya ang isang lahi. Kagaya ni Donya Victorina na nagpapanggap bilang isang Espanyol dahil ikinahihiya nya ang kanyang lahing Pilipino.
C. Isyung Panlipunan - Sa pagkakaroon ng dalawang lugar ng mga tao sa kubyerta – ang mga makakapangyarihan sa itaas, at indyo, instik at iba pa sa ibaba – ipinapakita ang kalagayan ng pamahalaan kung saan mas binibigyang halaga ang mga kastila, mayayaman at prayle. Ang pagpapanggap ng pamahalaan ng kalinisan nito (simbolismo ng puting pintura) ngunit mayroong mga kadumihan at kaharasan sa likuran nito. Ang mabagal na pag-unlad dala ng kahinaan ng pamahalaan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento